DAILY DEVOTIONAL (4-30-2021)

35 Very early in the morning, while it was still dark, Jesus got up, left the house and went off to a solitary place, where he prayed. 36 Simon and his companions went to look for him, 37 and when they found him, they exclaimed: “Everyone is looking for you!” (Mark 1:35-37)

35 Madaling-araw pa’y bumangon na si Jesus at nagpunta sa isang lugar na walang tao at doon ay nanalangin siya. 36 Hinanap siya ni Simon at ng mga kasama nito, at 37 nang matagpuan siya ay sinabi nila, “Hinahanap po kayo ng mga tao.” (Marcos 1:35-37)

Paliwanag

Maraming mananampalataya ang abala sa kanilang buhay. Wala silang panahon para manahimik nang nag-iisa sa presensiya ng Diyos. Dahil rito, sila ay aligaga sa maraming bagay at hindi makapakinig sa tinig ng Diyos sa kanilang buhay. Malaking hadlang ito sa kanilang pamumuhay sa Espiritu Santo. Hindi mangyayari sa buhay nila ang nais ng Panginoon dahil sila ay abala sa maraming bagay.

Gabay para sa Online Small Group Discussion

Step 1 – Basahin prayerfully ang konteksto (Marcos 1:35-37).

Step 2 – Pakinggan ang devotional (audio o video) nang walang istorbo.

Step 3 – Makipagkita sa grupo at pag-usapan ang mga sumusunod na tanong (tandaan, manalangin muna bago mag-usap):

1. Bakit hirap ang mga mananampalataya na magkaroon ng sapat na panahon para manahimik sa presensiya ng Diyos?

2. Bakit kinakailangan na magkaroon ng oras at lugar para manahimik nang nag-iisa sa presensiya ng Diyos araw-araw? Ano ang pakinabang nito para sa atin?

3. Ano ang gagawin mo bilang pagpapatupad nito sa iyong buhay?

Main Idea: “Ang disiplina ng pagiging tahimik at nag-iisa ay napakahalaga para sa pamumuhay sa Espiritu Santo.” (“The discipline of silence and solitude is the cornerstone of the Spirit-filled life.”)

I-share mo ito sa iba at pag-usapan ang devotional na ito gamit ang mga discussion questions na ito. ????

Listen on the following platforms:
1. RLCC on Facebook - https://facebook.com/rlccphil/live
2. RLCC on YouTube - https://youtube.com/rlccphil
3. RLCC website - https://rlcc.ph/devotional
4. RLCC on Zeno - https://zeno.fm/rlccphil
5. RLCC on Spotify - https://spoti.fi/2HWWTIS
6. RLCC on Audible - https://www.amazon.com/RLCC-Daily-Devotional/dp/B08K59N987
7. RLCC on Twitter - https://twitter.com/rlccphil
8. RLCC Get Real App - https://app.rlcc.ph

Note: If you have prayer needs, go to https://m.me/rlccphil. Thanks! #churchonline #rlccphil #churchonline #rlccphil